17.9 C
Baguio City
Saturday, September 21, 2024
spot_img

Lalaki, naitalang patay sa Bontoc, Mt. Province

Natagpuang patay ang isang lalaki habang kumukuha ng gagamitin sa paggawa ng palaspas sa Mount Polis, Bayyo, Bontoc, Mt. Province nito lamang Abril 1, 2023.

Kinilala ang biktima na si Winston Fagyan, 47-anyos at residente ng Samoki, Bontoc, Mt. Province.

Batay sa ulat, sumama ang lalaki sa kanyang mga kasamahan sa simbahan at pumunta sa bundok upang kumuha ng mga gagamitin sa paggawa ng palaspas nang bigla na lamang natumba at nawalan ng malay.

Agad namang humingi ng tulong ang kanyang mga kasamahan sa mga tauhan ng Bontoc Municipal Police Station at dinala ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival ng kanyang attending physician.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles