16.7 C
Baguio City
Saturday, September 21, 2024
spot_img

“MV Star Breeze” bumisita sa Hundred Islands National Park

Bumisita sa kauna-unahang pagkakataon sa Hundred Islands National Park ang luxury cruise ship na “MV Star Breeze” nitong ika- 2 ng Abril 2023.

Galing sa bansang Singapore ang naturang luxury ship nitong Marso 27 at ang Hundred Island ang kanilang huling destinasyon sa Pilipinas bago ito tutulak papuntang Hong Kong sa Abril 2, 2023.

Sinalubong naman nina Miss Hundred Islands 2023 Monica Pearl Vale at 4th Runner-Up Francine Atasha Mesa at mga kawani ng pamahalaan ng Alaminos City ang nasa mahigit 500 na foreign guests at Filipino crew ng luxury liner.

Namangha at kinagiliwan ng mga bisita ang ganda ng mga isla at maging ang mainit na pagtanggap sa kanila ng pamahalaang lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Arth Bryan C. Celeste, ng Department of Tourism Region 1 at mga nagpakitang gilas ang mga batang performers sa kanilang Hundred Islands Festival themed performance.

Inilibot ng mga tour guides at bangkeros ang mga bisita sa mga magagandang isla gaya ng Pilgrimage, Ramos, Quezon, Governors, Lopez, Mimpis at Marcos Islands kung saan nag-enjoy sila sa iba’t ibang island experience at eco-sports activities.

Ngayong 2023, nasa tatlong cruise ships pa ang inaasahang dadalaw sa Hundred Islands na inaasahang magpapalakas sa turismo ng lungsod matapos ang mahigit na dalawang taong pagtama ng pandemya.

Source LGU-Alaminos

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles