Pangasinan – Tinutugunan na ng Local Government ng Manaoag ang security plan at traffic schemes para matiyak ang kaayusan sa pagdiriwang ng Semana Santa sa Minor Basilica of Our Lady of Rosary of Manaoag.
Ayon kay Dr. Jeremy Agerico Rosario, Mayor ng Manaoag, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno at lokal na opisyal para sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto mula sa iba’t ibang panig ng rehiyon.
Dagdag pa ni Rosario, magtatalaga ang pamunuan ng executive order para sa truck ban para mabawasan ang trapik sa bayan ng Manaoag.
Paalala naman ng pamunuan ng Manaoag na maging maingat at ligtas sa darating na Semana Santa.