22.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Provincewide Simultaneous Walk for Peace isinagawa sa Kalinga

Hindi alintana ng mga kabataan mula sa iba’t ibang sektor at unibersidad ang mainit at tirik na araw sa kanilang isinagawang Provincewide Simultaneous Walk for Peace sa lalawigan ng Kalinga nito lamang ika-25 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Youth Mobile Force Company, Kabataan Kontra Droga at Terorismo mula sa iba’t ibang munisipalidad kasama ang barangay officials at iba pang mga grupo.

Naglakad ang mga nasabing grupo bitbit ang mga sign board na tumutuligsa sa Communist Terrorist Group (CTG) na sinundan ng pagsunog sa mga watawat ng CPP-NPA-NDF at paglagda sa Covenant of Support.

Layunin ng aktibidad na ipakita ang suporta ng mga nasabing grupo sa mga programa ng gobyerno at isigaw ang mariin nilang pagkondena at pagtuligsa sa mga maling gawain at presensya ng Communist Terrorist Group (CTG) sa kanilang komunidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles