Boluntaryong isinuko ng isang lalaki na residente ng Brgy. San Carlos, Santa Marcela ang loose firearm sa mga tauhan ng Santa Marcela Municipal Police Station sa Apayao nito lamang Marso 22, 2023.
Ang isinukong armas ay isang homemade pistol Cal. 7.61 mm na walang serial number at live ammunitions.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng mas pinaigting na kampanya laban sa pagdadala ng mga ilegal na baril.
Ang Santa Marcela PNP ay patuloy na hinihikayat ang mga residente sa kanilang nasasakupan na isuko ang kanilang mga walang papel na baril upang maiwasan na magkaroon ng kaso.