Pormal nang binuksan ngayong araw Pebrero 13, 2023 sa publiko ang Military Static Display Booth sa Tabuk, Kalinga kung saan ibinida ang mga iba’t ibang kagamitan ng PNP, AFP at BFP.
Ibinida ng PNP at AFP ang iba’t ibang klase ng mahahabang armas at equipments na ginagamit sa pakikipagbakbakan samantala mga gamit sa pag-aapula ng apoy naman sa BFP.
Layunin ng mga nasabing ahensya na magkaroon ng malalim na karanasan ang publiko, partikular ang mga may balak pumasok sa serbisyo, gayundin upang magkaroon ng sapat na kaalaman kung ano ang mga bagay na dapat malaman at paghandaan kung sila ay papasok sa nabanggit na serbisyo.
Samantala, maaaring kumuha ng mga larawan sa mga kagamitang nakadisplay at mabigyang pagkakataon na mahawakan ang mga nasabing kagamitan at ang ating mga alagad ng batas ay handang umalalay sa mga interesadong indibidwal na naka-antabay sa naturang booth.