15.2 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

10th Etag Festival ipinagdiriwang sa Sagada

Pormal ng binuksan ang apat na araw na pagdiriwang ng 10th Sagada Etag Festival na may temang “Nainsigudan ay Kultura ya Pammati, Wedweday Igabay ya Isikan di Umili” sa Sagada, Mt. Province nito lamang Pebrero 2, 2023 at magtatapos sa ika-5 ng Pebrero 2023.

Malugod na tinanggap ni Municipal Mayor Felecito O. Dula ang lahat ng mga panauhin at dumalo sa itinatampok na espesyal na pagdiriwang ngayong taon dahil ito ang unang selebrasyon pagkatapos ng dalawang taon ng pandemya.

Itinampok sa unang araw ang Ribbon Cutting and Opening of the Agro-Gastro Trade Fair, Launching of the Sagada Tourism Tagline, Children Games, CSMV activities at Miss Sagada 2023.

Sa ikalawang araw ay itinampok din ang Cook Fest, Literary, Arts and Music Contest at Dance competition.

Sa ikatlong araw ay ginanap ang Etag Run, Street Dancing, Cultural Showdown, Indigenous Games, Solid Waste Management and Environmental Activities, at Music Fest.

Samantala sa huling araw ay itatampok ang DRRM activities, Tug-of-war, at Closing Program.

Ang nasabing selebrasyon ay dinaluhan ng representative ni Sen. Robin Padilla na si Virgilio Cariño; representative ng Guest Speaker DA-RED Cameron Odsey, Atty. Jennilyn M. Medisina; Regional Director Jovita A. Ganongan ng DOT- Cordillera, Jail Chief Supt. Revelina A. Sindol, Regional Director BJMP-CAR; Albert A. Mogol, OCD-CAR Regional Director; Congressman Maximo Y. Dalog, Jr., Vice Governor Francis O. Tauli, Mayors of Tadian at Bauko Municipalities, Hon. Constito Masweng at Hon. Randy Awisan, Local Media at ang mamamayan ng Sagada.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles