Inilunsad ang Project Pailaw ng Benguet 1st Provincial Mobile Force Company sa Sitio Dong-as, Cabiten, Mankayan, Benguet nito lamang Miyerkules, Nobyembre 16, 2022.
Ang Pailaw Project ay proyekto ng Benguet PNP at Lokal na Pamahalaan ng Benguet para sa mga malalayong lugar sa kanilang nasasakupan.
Ang pondo ay mula sa ginanap na 1st PMFC Funshoot 2022 at sa suporta ni Mayor Honorio Banario Sr., Mankayan LGU at mga stakeholders.
Ito ay pormal na tinurn-over sa mga napiling benepisyaryo ng nasabing proyekto.
Ang project pailaw ay patuloy na isasagawa ng Local Government Unit ng Benguet katuwang ang Benguet PNP upang makapagbigay liwanag sa mga taong nasa malalayong lugar na hindi pa abot ng kuryente.