Boluntaryong isinuko ang dalawang rifle grenades at loose firearms sa mga awtoridad sa Pasil at Pinukpuk, Kalinga nito lamang ika-15 ng Nobyembre 2022.
Napag-alaman na ang isinukong armas ay isang uri ng homemade gauge 12 long shot gun, isang homemade gauge 12 shotgun (isang improvised empty magazine) at dalawang rifle grenades.
Hindi na pinangalan ang mga may-ari ng naturang baril para sa kanilang seguridad.
Ayon sa mga awtoridad, isinuko ang mga naturang baril at granada dahil sa maigting na house-to-house visitation and information dissemination against loose firearms and anti-criminality.
Samantala, nanawagan naman ang pulisya sa mamamayan na may baril na walang lisensya na isuko ang kanilang armas upang hindi makasuhan.