Naitala ang pagdaosdos ng malalaking tipak ng mga bato at landslide mula sa bundok sa Sitio Shalekong Brgy. Gusaran, Kabayan, Benguet nito lamang ika-30 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Ayon sa mga otoridad, dahil sa patuloy at walang tigil na pag-ulan dulot ng bagyong “Paeng” naitala ang nasabing insidente mga bandang 7 ng umaga at walang naiulat na nasaktan o nasugatan.
Agad naman nagsagawa ng monitoring and road clearing operations ang Kabayan PNP upang madaanan ng mga motorista ang nasabing kalsada.
Samantala, pinapaalalahanan ng mga otoridad na iwasan muna ang pagbiyahe sa nasabing lugar dahil patuloy pa din ang malakas na pag-ulan at para makaiwas sa aksidente.