16.7 C
Baguio City
Monday, September 23, 2024
spot_img

Centenarians mula Isabela, nakatanggap ng Cash Gift mula sa pamahalaan

Nakatanggap ang mga senior citizen mula Cauayan City, Isabela ng Centenarian Cash Gift mula sa pamahalaan nitong Oktubre 3, 2022.

Nagkakahalaga ang nasabing cash gift ng isang daang libong piso (P100,000) na iginagawad sa lahat ng Pilipinong aabot ang edad sa 100.

Parte ang aktibidad ng National Respect for Centenarians Day na ginugunita tuwing unang Linggo ng Oktubre at bahagi na din ng taunang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week mula Oktubre 1-7, 2022.

Lubos naman ang galak at pasasalamat ng mga lolo at lola sa natanggap nilang cash gift mula sa gobyerno. Anila, malaking tulong ito para sa kanilang pang araw-araw na gastusin.

Ang pagbibigay ng nasabing benepisyo ay napapaloob sa Republic Act No. 10868 s. of 2016, o ang Centenarians Act of 2016.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles