Namahagi ng family food packs ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development Field Office Cordillera sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Karding sa Abra nito lamang ika-26 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Naipamahagi ang 48 family food packs sa mga evacuees sa Barangay Pagala at Barangay Labon.
Samantala, katuwang sa pamimigay ng relief items ang Abra PNP, Provincial at Municipal Action Teams ng nasabing probinsya.
Patunay na ang mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay maaasahan at maagap sa pagtugon sa mga posibleng sakuna at kalamidad na haharapin ng ating bansa.
Source: DSWD CAR