Isinuko ng dating rebelde sa awtoridad ang mga nakatagong kagamitan na mga armas at pampasabog sa Sitio Bihawo, Brgy. Villar, Botolan, Zambales nito lamang Biyernes, Setyembre 16, 2022.
Narekober ang 30 na mga bala ng 5.56mm, isang M16 magazine, isang rifle grenade at isang 40mm M203 grenade.
Samantala, nanawagan naman ang mga awtoridad sa natitira pang CTG na sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan tungo sa pagkamit ng tunay na kaunlaran at kapayapaan.