Nakatanggap ang mga Indigent Senior Citizens mula Cagayan ng tulong pinasyal na ibinahagi sa Brgy. Cataggaman Pardo at Cataggaman Viejo, Tuguegarao City nitong Setyembre 13, 2022.
Tumanggap ng Php1,500 cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) ang mga benepisyaryo kada tatlong buwan ng tulong mula sa gobyerno para sa kanilang mga gamot at pang araw-araw na pangangailangan.
Sa kabuuan nasa 366 ang nakatanggap ng tulong kung saan 161 indigent senior citizens mula sa Cataggaman Pardo at 205 naman sa Cataggaman Viejo.
Samantala, labis naman ang tuwa at pasasalamat ng mga lolo at lola sa tulong ng gobyerno para sa kanila.