15.7 C
Baguio City
Saturday, November 16, 2024
spot_img

Pagbabakuna ng COVID-19 Booster Dose, muling umarangkada sa Isabela

Muling umarangkada ang Kagawaran ng Kalusugan sa pagbabakuna ng COVID-19 Booster Dose na naganap nito lamang Setyembre 3, 2022 sa iba’t ibang vaccination sites sa City of Ilagan, Isabela.

Pinangunahan ang kampanya sa pagbabakuna ng City Health Office ng Siyudad sa tulong ng kanilang mga Department of Health (DOH) Human Resources for Health (HRH) Nurses at Midwives.

Layunin ng aktibidad na maprotektahan at mailigtas ang mga mamamayan laban sa umiiral na sakit.

Samantala, patuloy din na nagsasagawa ang DOH ng Booster Vaccination sa iba’t ibang lugar sa buong Lambak ng Cagayan.

Hindi tumitigil ang kagawaran sa pagbibigay impormasyon tungkol sa COVID-19 at panghihikayat sa mga mamamayan na magpabakuna para makamit ang isang PINASLAKAS.

Source: Department of Health Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles