Naaresto ng mga awtoridad ang lalaking suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa isang matanda sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Sto. Nino San Felipe, Zambales nito lamang ika-3 ng Setyembre 2022.
Kinilala ang suspek na si John Henrick Manansala Balendres, 19, dating katiwala ng biktima, walang trabaho at kasalukuyang residente rin ng nasabing barangay.
Narekober mula sa isinagawang operasyon ang cellular phone na OPPO A16 na pag-aari ng biktima.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa San Felipe MPS at nahaharap sa kasong Robbery with homicide.
Patunay lamang na ang ating gobyerno ay mas pinaigting ang kampanya kontra kriminalidad at sinisigurong mapapanagot ang mga may sala sa
batas.
xxx