Matagumpay na isinagawa ang Special Job Fair at Government One Stop Shop Service sa Eastern Pangasinan nito lamang Setyembre 2, 2022, na ginanap sa Ramon J. Guico Sr. Sports and Civic Center, Binalonan, Pangasinan.
Sa pakikipagtulungan ng Public Employment Services Office LGU-Binalonan, Department of Labor and Employment, Department of Migrant Workers at Provincial Employment and Services Office, 12 local employment companies at dalawang overseas placement agencies ang nagbigay ng oportunidad sa mga job seekers.
Nasa 458 na lokal at 135 na overseas ang mga aplikante na dumayo sa nasabing Job Fair na kung saan 55 na aplikante ang natanggap sa trabaho on the spot.
Kasabay din sa nasabing job fair ang One-Stop Shop Government Services kung saan pwede na agad silang magproseso ng membership sa Pag-ibig, Philhealth at Social Security System o SSS.
Nagpahayag naman ng kagalakan si Binalonan Mayor Ramon Ronald V. Guico IV dahil sa kabila ng masungit na panahon ay marami pa rin ang naserbisyuhan ng job fair.
Source: Province of Pangasinan