Nabigyan ng tulong pinansyal ang anim na rebeldeng nagbalik-loob sa gobyerno na naganap sa Governor’s Conference Room, Provincial Government, Brgy. Suklayin, Baler, Aurora nito lamang ika-26 ng Agosto 2022.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng Aurora Police Provincial Office, Philippine Army at Provincial Government ng Aurora.
Ang nasabing tulong ay mula sa programa ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration (E-CLIP) Program para sa mga indibidwal na nagpasyang talikuran ang armadong pakikibaka at bumalik sa kanlungan ng batas at maging bahagi sa kaayusan at kapayaan ng bansa.
Patunay lamang na ang ating gobyerno ay patuloy sa pagtutupad ng programa upang masugpo ang insurhensya sa bansa.
xxx