Bumisita ang mga tauhan ng 7th Infantry (Kaugnay) Division sa New Clark City Athletics Stadium, Capas, Tarlac bilang bahagi ng educational tour nito lamang ika-25 ng Agosto 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Assistant Division Commander, Brigadier General Luis Rex D Bergante.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pagkakataon ang mga tauhan na maranasan at makita ang pasilidad tulad ng International Association of Athletics Federation na isang Class A athletic stadium at Aquatic Center ng Federation Internationale de Natation’s.
Lubos ang kasiyahan ng mga tauhan ng 7th Infantry (Kaugnay) Division na makadalaw sa ganitong uri ng lugar at madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa mga magagandang lugar sa Tarlac.
Ang kahalagahan ng ganitong aktibidad ay para sa pagpapaunlad ng kaisipan at pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga tauhan ng nasabing hanay ng kasundaluhan.
Patunay lamang na ang ating gobyerno ay binibigyang halaga ang kapakanan ng mga manggagawa upang maging produktibo sa araw-araw.