Pormal ng pinasinayaan ang bagong isolation facility kasabay ng ika-43 anibersaryo ng Regional Rehabilitation Center for Youth sa Brgy. Ayala, Magalang, Pampanga nito lamang Martes, Agosto 23, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Assistant Regional Director for Administration (ARDA) Maribel M. Blanco ng Department of Social Welfare and Development Region 3 sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Erwin Tulfo.
Ang naturang isolation facility ay ginawa upang tugon sa COVID-19 pandemic.
Kaya din i-accommodate ang mga residente na may sintomas ng COVID-19 at iba pang nakakahawang sakit.
Patunay lamang na ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng DSWD ay tulong-tulong upang mabigyan ng magandang serbisyo ang mga mamamayan.
Source: DSWD III Central Luzon