Nadiskubre ng awtoridad ang 21 na mga matataas na uri ng pampasabog ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Barat, Brgy. Burgos, Carranglan, Nueva Ecija nito lamang ika-16 ng Agosto 2022.
Ayon sa ulat ng Nueva Ecija Police Provincial Office, 21 pirasong High Explosive Vintage Bombs ang nadiskubre sa tulong ng isang dating miyembro ng NPA na si Ka Winnie at sa partisipasyon ni alyas Sonny.
Hinihikayat ng gobyerno ang mga rebelde na tuluyan ng talikuran ang maling ideolohiya at bumalik na sa kanlungan ng pamahalaan.