22.9 C
Baguio City
Tuesday, November 19, 2024
spot_img

Pamahalaan ng Batac at DSWD ng Ilocos Norte, namahagi ng Financial Aid 

City of Batac, Ilocos Norte – Namahagi ng financial aid ang City Government ng Batac at Department of Social Welfare and Development ng Ilocos Norte ng Php2,000 sa 664 benipisyaryo ng siyudad na isinagawa sa Riverside Empanadaan Building, City of Batac, Ilocos Norte nitong Linggo ika-14 ng Agosto 2022.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Angelo Marcos Barba, 2nd District Congressman ng Ilocos Norte kasama si Hon. Albert D. Chua, City Mayor ng Batac. 

Ayon kay Hon. Albert D. Chua, ang naturang proyekto ay mula sa Aid to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD sa pamamagitan ng tanggapan ni Congressman Angelo Marcos Barba. 

Ayon pa kay Hon. Chua, “para ma-avail ang AICS, maaari kayong bumisita sa pinakamalapit na Social Welfare and Development Offices (SWDOs) sa inyong lugar o Crisis Intervention Units ng DSWD para sa assessment.”

Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ay bahagi ng proteksyon na serbisyo ng DSWD para sa mahihirap, marginalized at vulnerable/disadvantaged na indibidwal. 

Ang AICS ay ipinatupad ng DSWD sa loob ng ilang dekada, bilang bahagi ng technical assistance at resource augmentation support nito sa mga LGU at iba pang partners.

Source: City Government of Batac

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles