Binisita ni Department of Social Welfare and Development Undersecretary for Disaster Response Management Marco M. Bautista ang probinsiya ng Abra para mamigay ng tulong nito lamang Linggo, Agosto 7, 2022.
Kabilang na rito ang bayan ng Pennarubia na kanyang binisita upang makita ang kalagayan ng ating mga kababayan na mayroong totally and partially damaged houses dulot ng magnitude 7.0 earthquake na yumanig sa hilagang bahagi ng Luzon.
Dito ay matagumpay na naipamahagi ni Undersecretary Bautista at DSWD Field Office Cordillera OIC Regional Director Enrique H. Gascon Jr. ang mga Family Tents, Family Food Packs, Kitchen Kits at Sleeping Kits mula sa nasabing ahensya.
Samantala, katuwang din sa paghahatid ng mga Food at Non-Food Items ang mga tauhan ng Pennarubia Municipal Police Station.
Source: DSWD CAR