Sa unang araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang, Manila bilang Chief Executive ay pinangunahan niya ang panunumpa ng kanyang anak na si Sandro Marcos bilang kongresista ng Ilocos Norte noong Huwebes, Hunyo 30, 2022.
Pero bago nagsimula ang panunumpa ni Sandro Marcos ay ibinunyag ni PBBM na ideya niya na isagawa ang seremonya ng oath-taking ng kanyang anak at iba pang opisyales ng Ilocos sa Palasyo.
“Kagagawan ko ito. This was my doing because I insisted that this is the only, this is a very important chance for me. When else will I be able to swear in, as president, our mayors, our congressmen, and our officials from Ilocos Norte?” ani PBBM.
“So sinabi ko kay Sandro, ‘dalhin mo sila lahat dito, kahit na papaano’ para masabi ko naman na pinasumpa ko ang aking anak na naging bagong congressman at ang lahat ng kasama natin dito sa Ilocos Norte,” dagdag pa ni Marcos.
Source: newsinfo.inquirer.net