23.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Pagsasanay sa pagluto handog para sa mga kababaihan ng Tarlac

Naghandog ng pagsasanay sa pagluto ang mga miyembro ng Kaisa Women’s Organization nito lamang ika-28 ng Hunyo 2022 sa lalawigan ng Tarlac.

Ang pagsasanay ay inisyatibo ni Mayor Cristy Angeles katuwang ang Angel Culinary Training Course.

Naturuan ang mga kababaihan sa pagluluto ng masarap na beef pares kung saan maaari nila itong pagkakitaan upang makatulong sa kanilang pinansyal na pangangailangan.

Naging lecturer sa nasabing aktibidad ang isang matagumpay na negosyante na si Mr. AJ Go.

Sinanay niya ang mga benepisyaryo sa mga hakbang kung paano makagawa ng masarap at patok sa masa na beef pares.

Ang aktibidad ay nasa pangatlong yugto na at inaanyayahan ang iba pang kababaihan na nais din matuto na makipag-ugnayan sa kanilang KWO president sa kanilang barangay.

Matatandaan na nitong nagdaang pandemya ay labis ang naging hirap ng ating mga kababayan lalo na sa mga may negosyo.

Layunin ng programang ito na bigyan ng wastong kasanayan ang mga mamamayan ng sa ganun magamit nila ito upang magtagumpay sa tatahakin nilang negosyo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles