14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

City Treasury Office, nagsagawa ng Spot Inspection sa mga Gas Station sa San Fernando City, La Union

Nagsagawa ng Spot Inspection ang City Treasury Office (CTO) sa bawat Gas Station sa San Fernando City, La Union nitong Miyerkules, Hunyo 8, 2022.

Ayon sa City Treasury Office, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay kanilang maiging sinisiyasat ang kalibrasyon ng mga kagamitan tulad na lamang ng calibration buckets upang tiyakin na tama ang sukat ng petrolyong binibenta sa mga mamimili.

Dagdag pa ng City Treasury Office, magkakaroon ng regular na inspeksyon bawat quarter sa  mga gasolinahan upang masiguro na sa kabila ng pagtaas ng presyo ng gas at diesel, naaayon pa rin ang halaga ng kanilang binayaran sa kanilang binili.

Ipagpapatuloy nila ang kanilang nasimulan upang maprotektahan ng City Government ang mga karapatan ng mga mamimili at ng mga motorista sa bayan ng San Fernando City, La Union.

Source: City Government of San Fernando, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles