13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Nanalong Ilocos Norte Baseball Team tumanggap ng Php500K mula sa PAGCor

Ilocos Norte – Tumanggap ng Php500,000 halaga ang nanalong Ilocos Norte baseball team na sumabak sa 2022 Little League Philippine Series National Finals sa Dasmariñas, Cavite, mula Hunyo 3 hanggang 6, 2022.

Nasungkit ng Ilocos Norte baseball team ang pagkapanalo kamakailan sa Philippine Baseball League-Northern Luzon sa score na 16-0 sa Ilagan City, Isabela.

Ayon kay G. Faivo Bartolome, Provincial Sports Consultant, matapos na magpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng appropriation ordinance sa kanilang special session noong Mayo 31, 2022, sila ay nabigyan ng budget na galing sa special fund na ibinigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCor.

Dagdag pa ni Mr. Bartolome, bago tumungo sa finals noong Miyerkules, Hunyo 1, nag-courtesy visit ang 14 na batang atleta at kanilang mga coach kay Governor Matthew Marcos Manotoc kung saan nakatanggap sila ng allowance.

Kakatawanin ng mga pambansang kampeon ang Pilipinas sa Little League Asia Pacific Championship sa South Korea sa darating na Hulyo 2022.

Source: Provincial Government of Ilocos Norte

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles