16.9 C
Baguio City
Saturday, October 5, 2024
spot_img

Ifugao State University nakiisa sa pagdiriwang ng International Museum Day at National Heritage Month

Nakiisa ang Ifugao State University (ISU) sa pagdiriwang ng International Museum Day at Heritage Month na ginanap sa Ifugao State University Administration Building nitong Mayo 18, 2022.

Sa pamamagitan ng kanilang Ifugao Rice Cultural Museum ay nagsagawa ang ISU ng exhibit upang ipamalas at ipagmalaki ang iba’t ibang uri ng tela sa Ifugao.

Bukod pa rito, nagsagawa rin si Ruben Gumangan, isang culture bearer mula sa Asipulo ng weaving demonstration sa lahat ng mga dumalo.

Layunin ng pagdiriwang na ito na dagdagan ang kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa kahalagahan ng museo lalo na pagdating sa pagpapalitan at pagpapayaman ng kultura at sa pagkakaroon ng pagkakaunawaan at kapayapaan sa bawat isa.

Source: PIA Ifugao https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=374361804736470&id=100064879590286

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles