23.4 C
Baguio City
Friday, October 4, 2024
spot_img

Kilalang political clans sa Central Luzon, nangibabaw sa listahan sa katatapos na halalan 2022

Nangibabaw sa listahan ang mga kilalang political clans sa Central Luzon sa numero ng mga boto sa halalan ngayong taon.

Sa Pampanga, binigyan ng bagong mandato si incumbent Governor Dennis Pineda sa pamamagitan ng landslide victory laban sa nag-iisang kalaban nitong si dating Candaba Mayor Danilo Baylon.

Ang kanyang ina naman na si incumbent Vice Governor Lilia Pineda, ay tumakbo nang walang kalaban. Nanalo rin ang dalawang kapatid nito sa kani-kanilang mga tinakbuhang posisyon.

Nanguna naman si Mylyn Pineda-Cayabyab para sa Provincial Board Member ng ikalawang distrito habang si Esmeralda Pineda ay wala ring kalaban sa pagka-alkalde ng bayan.

Sa Nueva Ecija, napanatili ng magkapatid na Gobernador Aurelio Umali at Bise Gobernador Anthony Umali ang kanilang hawak sa matataas na posisyon.

Nanaig din ang angkan ng Yap sa larangan ng pulitika sa Tarlac ng tumakbo na walang kalaban si incumbent Governor Susan Yap. Kasabay nito, ang kanyang anak na si Christian ay nanalo rin ng isa pang termino bilang kinatawan ng ikalawang distrito.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles