23.8 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Dating rebelde, nagbalik-loob at isinuko ang baril sa 2nd PMFC NEPPO

Boluntaryong nagbalik-loob ang isang dating rebelde at isinuko ang baril nito sa pamunuan ng Headquarters ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Nueva Ecija Police Provincial Office (PMFC NEPPO) sa Barangay San Juan, San Jose City, Nueva Ecija, nito lamang Miyerkules, ika-14 ng Enero, 2026.

Ang naturang pagbabalik-loob ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Warly C. Bitog, Force Commander ng naturang unit, sa pakikipagtulungan ng San Jose City Police Station, Lupao Municipal Police Station (MPS), Llanera MPS, Rizal MPS, Pantabangan MPS, Sto. Domingo MPS, Licab MPS, Quezon MPS, Guimba MPS, Cuyapo MPS, PIU-NEPPO, National Intelligence Coordinating Agency Region 3, 303rd Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 3, Regional Intelligence Unit 3, Regional Intelligence Division 3 / Intelligence Operation Section, 84th IB 7ID PA, 91st Infantry Battalion 7th Infantry Division of the Philippine Army, at 21st Special Action Company-2nd Special Action Battalion (Support Units).

Kinilala ni PLtCol Bitog ang sumuko na si alyas ”Ka Arnel”, nasa hustong gulang, lalaki, magsasaka, at residente ng Carranglan, Nueva Ecija. Siya ay dating miyembro ng CPP-NPA sa ilalim ng Josefhino Corpuz Command, na kabilang sa Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) at itinalagang semi-legal officer na kumikilos sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Samantala, kasabay ng pagbabalik-loob nito ay ang pagsuko din niya sa isang (1) unit ng Caliber .22 revolver (gawang-bahay) na walang serial number, at limang (5) piraso ng bala para sa parehong kalibre.

Hinihikayat ng 2nd Nueva Ecija PMFC ang mga natitirang kasapi at tagasuporta ng CPP-NPA-NDF na magbalik-loob sa ating pamahalaan at makiisa sa isang layunin na labanan ang insurhensiya at terorismo sa ating bansa.

Source: SecondPmfc Pnp Ne

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles