17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

2025 Family Week Celebration, ipinagdiwang sa Apayao

Ipinagdiwang ng Apayao Provincial Local Government Unit ang 2025 Family Week Celebration kasabay ng Parents’ Education Congress na may temang, “Polisiyang Makapamilya tungo sa higit na matatag, maginhawa at panatag na pamilya sa Bagong Pilipinas” sa EKB Clubhouse, Santa Marcela, Apayao nito lamang ika-7 ng Oktubre 2025.

Ang aktibidad ay inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Santa Marcela, Apayao katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na dinaluhan ng tinatayang 100 katao na kalahok kabilang ang mga solo parents, adolescent parent at mga pamilyang-at-risk mula sa 13 barangay ng Santa Marcela.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng pamilya at bigyang-diin ang kahalagahan ng mental wellness at papel ng mga magulang sa paghubog ng isang maayos at mapagkalingang tahanan.

Tampok sa aktibidad ang talakayan at Family Knowledge Fair na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa loob ng pamilya bilang pangunahing haligi ng isang matatag na komunidad, solidaridad ng pamilya, wastong nutrisyon at ang mga programang hatid ng PSWDO.

Bilang bahagi ng programa, ibinahagi rin ang Solo Parents Means-Tested Subsidy na nagkakahalaga ng Php6,000 sa mga kwalipikadong benepisyaryo para sa unang kalahati ng taon at mga hygiene kits, bigas, at school supplies sa mga dumalo.

Ang selebrasyon ay nagsilbing paalala ng kahalagahan ng pagkakaisa, pagmamahalan, at pagtutulungan ng bawat pamilya, tungo sa mas maunlad at matatag na pamayanan sa Bagong Pilipinas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles