Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang huling distribusyon ng food packs para sa 33 Child Development Center (CDC) sa bayan, bilang bahagi ng kanilang Supplementary Feeding Program (SFP) noong Miyerkules, Setyembre 17, 2025.
May kabuuang halaga na Php3,390,000 halaga ng food packs na laan sa mga mag-aaral sa iba’t ibang barangay. Tiniyak na ang bawat daycare center ay nakatanggap ng sapat na suplay ng mga pagkain na magagamit para sa mga bata.

Layunin ng programa magbigay ng karagdagang pagkain sa mga batang mag-aaral upang mapabuti ang nutrisyon ng mga bata at malabanan ang malnutrisyon.
Lubos ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan, sa pamumuno ni Mayor Bona Fe De Vera Parayno, sa mga naipamahagi na food packs ng DSWD sa taong 2025 at inaasahan na patuloy ang pagtugon sa mga panganagilangan ng bawat mamamayan.




