22.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Hundred Islands Job Fair at One-Stop Shop Government Services, ginanap sa Don Leopoldo Sison Convention Center

Ginanap ang Hundred Islands Job Fair sa pinagsama samang One-Stop Shop Government Services para sa mga mamamayan na naghahanap ng trabaho at nangangailangan ng iba’t ibang serbisyong pampamahalaan ngayong araw, Setyembre 19, 2025, sa Don Leopoldo Sison Convention Center, Alaminos City, Pangasinan.

Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga job seekers na makahanap ng trabaho mula sa iba’t ibang kumpanyang kalahok, habang maayos na naisusulong ang mabilis na pagproseso ng mga dokumento gaya ng NBI Clearance, SSS, PhilHealth, at iba pa sa iisang lugar.

Dinaluhan ito ng mga aplikante mula sa iba’t ibang barangay at karatig-bayan, at sinuportahan ng lokal na pamahalaan upang mapadali ang serbisyo at makapagbigay ng oportunidad para sa mas maraming mamamayan.

Source : LGU Alaminos
Panulat ni Manlalakbay

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles