Isang bloodletting activity ang isinagawa na pinamagatang DUGOyanihan 2025 na inisyatibo ng Cagayan Provincial Health Office (PHO) na ginanap sa Commissary, Capitol Compound Tuguegarao City, Cagayan ngayong ika-19 ng Setyembre 2025.
Katuwang ng Cagayan PHO ang Philippine Red Cross, kung saan naging blood donors naman ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at mga regular na boluntaryong donor mula sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Bilang tugon sa patuloy na pangangailangan ng dugo sa mga pampubliko at pribadong ospital sa lalawigan kaya nagkaroon ng ganitong aktibidad.
Ang DUGOyanihan ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng PHO at Philippine Red Cross na isulong ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo.
Sa pamamagitan ng DUGOyanihan, muling pinatutunayan ng mga donors ang diwa ng bayanihan at malasakit para sa kapwa dahil ang bawat patak ng dugo ay maaaring magligtas ng buhay
Source: CPIO




