Pinangunahan ni Mayor Arth Bryan C. Celeste at ng City Youth and Sports Development Office (CYSDO), sa pamumuno ni G. Cloyd Peter P. Lalas, ang isinagawang “Usapang ASRH!: Adolescent Sexual and Reproductive Health and Rights” sa Pangasinan Integrated School noong September 5, 2025.
Layunin ng aktibidad na bigyan ng sapat na kaalaman ang kabataan tungkol sa kanilang katawan, relasyon, at kalusugang sekswal at reproduktibo. Lumahok dito ang 148 mag-aaral mula Grade 9 hanggang 12.
Nagbigay ng mensahe sina Ms. Leila Capitle (Punong-guro), G. Cloyd Peter P. Lalas, at kinatawan ng SK Federation President. Nagpahayag rin ng suporta sina Mayor Celeste, Vice Mayor Jose Antonio Miguel Y. Perez, at iba pang opisyal.
Mga tagapagsalita sa programa sina G. Mark Anthony Baltazar at Bb. Ramvick Cortez, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman ukol sa ASRH
Source:LGU Alaminos
Panulat: Manlalakbay




