16.2 C
Baguio City
Monday, September 30, 2024
spot_img

“Wonder Boy” pinuri at pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao

Pinuri at pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao si Carl Jammes Martin o tinatawag na “Wonder Boy” sa isinagawang Flag Raising Ceremony sa Provincial Capitol Ground, Lagawe, Ifugao nito lamang Abril 18, 2022.

Si Wonder Boy ay nanalo sa World Boxing Association Super Bantamweight Bout (WBASBB) na naganap sa Elorde Sports Complex, Sucat, Parañaque City noong Marso 12, 2022.

Ang pagbigay ng parangal kay Wonder Boy ay pinangunahan ni Gobernador Jerry U. Dalipog kasama ang Sangguniang Panlalawigan (SP) sa ilalim ng pamumuno ni Vice-Governor Glenn D. Prudenciano, Executive Assistant II James Damoyan ng Office of the Provincial Governor, SP Member Agustin C. Calya-en at Sanggunian Secretary Miguel B. Dimalnat, Jr.

Tinanggap ni Wonder Boy ang kanyang parangal kasama ang kanyang pamilya at sa piling ng 54th IB, 1404th Ifugao Ready Reserve Battalion, Phil. Army, suot ang kanyang uniporme bilang Private Carl Jammes Martin, Army Reservist.

Nagpasalamat din si Wonder Boy sa suporta at dasal ng kanyang kababayan sa lahat ng kanyang laban.

Samantala, Si Wonder Boy ay kasalukuyang naghahanda para naman sa kanyang susunod na laban sa lungsod ng Baguio sa darating na Hulyo 12, 2022.

https://www.facebook.com/100001606001642/posts/5278641698865978/

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles