Matagumpay na naisagawa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) – Apayao ang 2025 Provincial Skills Competition sa BGV Jr. Gymnasium, Poblacion, Luna, Apayao nito lamang ika-27 ng Agosto 2025.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kalahok mula sa iba’t ibang training institutions sa apat na pangunahing kategorya na Cake Making, Pastry Making, Bread Making, at Open Category gamit ang iba’t ibang lokal na produkto gaya ng buko, passion fruit, santol, dragon fruit, saging, avocado, kalabasa, at karot.


Ang mga itinanghal na kampeon sa bawat kategorya ay sina Deseree Lingayo ng A&G Training ang Assessment Center sa Cake Making Category, Emelyn Valencia ng parehong training center sa Pastry Category, si Liezel Lapueda ng AIA Summer Lake and Training Center sa Open Category.
Bilang bahagi ng programa, nagkaroon din ng skills demonstration mula sa PTC–Apayao para sa Assembly of Solar Night Light and Post Lamp at mula sa ATC para sa Electrical Installation and Maintenance NC II, at si Zaira Bula-ay (A&G) sa Bread Making Category.
Bilang dagdag na serbisyo, namahagi rin ang TESDA ng libreng masahe, gupit, manicure at pedicure, pati na rin ang Training Support Fund at starter toolkits para sa mga benepisyaryo ng Small Ruminants Training sa Puputi Nature Farms at Masonry NC I sa Veaveranda Nature Farm and Training Center, Inc.
Ang taunang patimpalak na ito ay layong itaguyod ang kasanayan, kahusayan, at inobasyon ng mga kabataang kalahok, at palakasin ang kanilang kakayahan para makipagsabayan sa mas mataas na antas ng kompetisyon.





