17.7 C
Baguio City
Thursday, July 2, 2026
spot_img

PGC, nagtanim ng mahigit 1,200 punla sa Camalaniugan, Cagayan

Umabot sa mahigit 700 bamboo propagules at 500 mahogany seedlings ang sama-samang itinanim ng mga benepisyaryo ng I Love Cagayan River Movement Cash-for-Work Livelihood Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan nito lamang ika-22 ng Agosto taong kasalukuyan.

Pinangunahan ng Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) ang tree growing activity kasama ang mga benepisyaryo mula sa mga barangay Joaquin Dela Cruz, Dugo, Felipe Tuzon, Jurisdiction, at Gen. Batalla. Layunin ng aktibidad na palakasin ang proteksiyon sa kalikasan habang nakakatulong sa kabuhayan ng mga residente.

Ang nasabing programa ay bahagi ng adbokasiya ng PGC na hindi lamang matugunan ang isyu ng pagkasira ng kapaligiran, kundi magbigay rin ng oportunidad sa mga mamamayan na magkaroon ng hanapbuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at pangangalaga ng mga puno at kawayan.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahang mas mapapalakas ang kampanya para sa kalinisan at pangangalaga ng Ilog Cagayan, kasabay ng pagbibigay ng dagdag na kita sa mga pamilyang kalahok sa programa.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles