Tree Planting sa Barangay Puguil, Santol—Hakbang ng LGU para sa kalikasan at kinabukasan
Sa kabila ng malakas na ulan na dala ng Tropical Depression Isang, matagumpay na naisagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Santol, La Union ang makabuluhang Tree Planting Activity sa Barangay Puguil noong Agosto 22, 2025.
Ang aktibidad na ito ay patunay ng matibay na pangako ng komunidad na pangalagaan ang kalikasan at lumikha ng mas luntian at mas matatag na kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon. Ipinakita ng mga lumahok ang kanilang dedikasyon sa kabila ng masamang panahon, isang paalala na walang unos o bagyo ang kayang pumigil sa adhikain ng mga mamamayan tungo sa kalikasan.

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, hindi lamang nakatutulong ang bawat isa sa pagpapanumbalik ng balanse ng kalikasan, kundi nagbibigay din ng proteksyon laban sa mga sakuna tulad ng pagbaha at pagguho ng lupa. Ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng komunidad ay nagsilbing inspirasyon sa lahat na sama-samang magtataguyod ng isang mas ligtas at mas maunlad na bansa.
Ang ganitong hakbang ay hindi lamang simpleng pagtatanim ng puno, kundi simbolo ng malasakit at pag-asa para sa mas magandang kinabukasan.
Source: Lgu Santol




