17.7 C
Baguio City
Thursday, July 2, 2026
spot_img

DSWD FO2, pormal nang ipinasa ang Project LAB sa mga benepisyaryo ng Santa Teresita, Cagayan

Hindi lamang kabuhayan kundi pati na rin pagkakaisa ng komunidad ang hatid ng Project LAWA at BINHI matapos itong pormal na ipinasakamay sa mga partner-beneficiaries sa isinagawang Ceremonial Turnover at Commitment Setting noong ika-20 ng Agosto, 2025.

Para kay Ernesta Rosal, presidente ng 3Ns Association, ang proyekto ay nagsilbing tulay upang magsama-sama ang mga mamamayan ng Santa Teresit upang magkaisa, magtulungan, at sabay-sabay na umangat sa pamumuhay. Taos-puso rin siyang nagpasalamat sa DSWD at sa LGU sa suportang kanilang natanggap.

Binigyang-diin rin ni Mayor Rodrigo P. De Gracia ang buong suporta ng lokal na pamahalaan, kabilang ang pamamahagi ng libreng fingerlings na pinondohan ng LGU para sa lahat ng may lawa o fishpond sa bayan. Inimbitahan din niya ang mga Barangay Captain upang maipatupad din ang proyekto sa kani-kanilang lugar at mas mapalawak pa ang benepisyo nito. Nangako naman si MSWD Officer Marivic Vista ng patuloy na pagbibigay ng teknikal na tulong at paggawa ng project proposal para sa karagdagang kabuhayan. Ipinaliwanag din ni MAO Head Edwin Madrid ang kanilang plano na magbigay ng water solar panel at mga binhi para sa pagtatanim.

Samantala, namahagi ang BFAR ng 1,000 fingerlings at nagpaabot ng pangakong ipagpapatuloy ang pagbibigay ng feeds, technical assistance, at iba pang interventions.
Nagpahayag din ang MENRO ng kanilang kahandaang magbigay ng mga punla at seedlings, bukod pa sa iba pang posibleng intervention para sa tuloy-tuloy na pagpapatupad ng proyekto.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles