Matagumpay na pinasinayaan ang 42nd Balay Silangan Reformation Center sa Rehiyon 2 sa JTA Sports and Cultural Complex, Cabagan, Isabela noong Marso 10, 2022.
Ito ay pinangunahan ni Regional Director, Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office II, Director III Joel B. Plaza at mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Layunin ng aktibidad na ito na tuluyan ng wakasan ang laban kontra ilegal na droga na kung saan 209 na barangay na apektado ng droga na lamang ang lilinisin sa Rehiyon.
Sa patuloy na pagdami ng Balay Silangan Reformation Centers ay tunay na nararamdaman ang pagsisikap ng Barangay Drug Clearing Program ng PDEA, lahat ng ahensya pati na ang stakeholders at ng buong komunidad.
Dumalo din sa naturang aktibidad sina Mayor Christopher A Mamauag, mga tauhan ng Police Regional Office 2, mga miyembro ng Technical Working Group at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya at sektor ng rehiyon at komunidad.
Patuloy na nagsusumikap ang ating pamahalaan para sa matagumpay na pagwawakas ng laban kontra ilegal na droga.
Source: PDEA ROII