14.3 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

131 Senior Citizen sa Kabayan, Benguet nakatanggap ng cash incentive

Ipinatupad ang Municipal Ordinance No. 143-19 na kumikilala sa octogenarians (80-89 years old), nonagenarians (90-99 years old), at centenarians (100 years old and above) sa mga residente sa Kabayan, Benguet noong nakaraang Lunes, Marso 7, 2022.

Nasa 131 na senior citizens ng naturang munisipalidad ang nakatanggap ng cash incentives.

Base sa datos ng Kabayan, nasa kabuuang 693,000 pesos na pondo ang kanilang naipagkaloob kung saan tig-5,000 pesos ang naibigay nila sa 112 senior citizen na octogenarian at tig-7,000 pesos naman sa 19 senior citizen na nonagenarian.

Bukod pa dito, nasa limang centenarian naman sa Kabayan ang nakatanggap ng 15,000 pesos na cash incentives mula taong 2020 hanggang sa kasalukuyan.

Laking pasasalamat ng mga senior citizens na nakatanggap sila ng cash incentives mula sa tanggapan ng Kabayan.

####

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles