Nakatanggap ng tulong ang mahigit 850 psychiatric at Tuberculosis na pasyente mula sa ikalawang distrito ng Pampanga nito lamang Biyernes, ika-13 ng Setyembre 2024.
Matagumpay ang programa sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Dennis Pineda, Governor katuwang ang Department of Social Welfare and Development Office.
Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil nakatanggap ng financial assistance at foodpacks.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng suporta, tulong at prayoridad ang mga may sakit mula sa kanilang nasasakupan.