17.4 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

PESO-Bayambang, nagsagawa ng Special Recruitment Activity

Ang Public Employment Service Office (PESO) ng Bayambang ay nagsagawa ng Special Recruitment Activity kasama ang Saint Rosalia International Recruitment Agency, Inc. sa tanggapan ng PESO at sa Balon Bayambang Events Center noong Agusto 1, 2024.

Maraming aplikante ang dumalo at nagkaroon ng pagkakataon na magpasa ng kanilang mga aplikasyon para sa iba’t ibang posisyon bilang domestic workers, semi-skilled, at skilled workers. Kabilang sa mga destinasyon ng mga trabaho ay ang Hong Kong, Singapore, at Kingdom of Saudi Arabia.

Ang PESO-Bayambang ay patuloy na nagsasagawa ng mga ganitong aktibidad upang matulungan ang mga mamamayan ng Bayambang at mga kalapit na bayan na makahanap ng mas magandang oportunidad na trabaho, mapa-lokal man o sa ibang bansa.

Ang kanilang layunin ay mabigyan ng sapat na impormasyon at tamang gabay ang mga naghahanap ng trabaho upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kaginhawahan sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Source: Balon Bayambang

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles