Patuloy ang pagsuporta ng lokal na pamahalaan ng Morong, Bataan sa sektor ng agrikultura at pangisdaan nito lamang Martes ika-7 ng Oktubre 2025.
Ang nasabing proyekto ay naisakatuparan sa tulong at pangunguna ng butihing Punongbayan, Kgg. Leila G. Linao-Muñoz, na patuloy na nagsusulong ng mga programang makatutulong sa kabuhayan ng mga Morongueño.
Matagumpay na isinagawa ang pamamahagi ng Libreng Insurance para sa mga magsasaka at boat owners sa bayan ng Morong.
Layunin ng programang ito na matulungan ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa sakahan at karagatan sa oras ng sakuna o hindi inaasahang pangyayari.
Kasabay nito, namahagi rin ang Department of Agriculture (DA) ng mga Information, Education, and Communication (IEC) materials upang magbigay-kaalaman hinggil sa mga makabagong pamamaraan at wastong proseso ng pagsasaka.


Hinikayat din ng DA ang mga hindi pa nakakapagparehistro na makiisa sa susunod na iskedyul ng pamamahagi na isasagawa sa bawat barangay. Samantala, sa ilalim ng High Value Crops Development Program (HVCDP), ipinagkaloob sa asosasyon ang isang (1) unit ng Multi-Cultivator at tatlong (3) unit ng Shallow Tube Well na inaasahang makatutulong upang mapataas ang ani at mapagaan ang trabaho ng mga magsasaka.
Sa pamamagitan ng mga inisyatibang ito, muling pinatunayan ng lokal na pamahalaan ng Morong at ng Department of Agriculture ang kanilang malasakit at dedikasyon sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pangisdaan—isang mahalagang hakbang tungo sa mas produktibong komunidad.




