21.1 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Two-Day Summit para sa mga dating rebelde, idinaos sa Iligan City

Matagumpay na isinagawa ang Two-Day Former Rebel Summit 2025 na ginanap sa TESDA–ISAT, Ilagan City, Isabela nito lamang ika-2 hanggang ika-3 ng Disyembre, 2025.

Pinangunahan ng 502nd Infantry (Liberator) Brigade ang summit, sa pamumuno ni Brigadier General Rhoderick L. Parallag PA, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na nagkaloob ng serbisyo at tulong. Dinaluhan ito ng representasyon mula TESDA, DA, DTI, DOLE, DILG, at iba pang partner agencies.

Dinaluhan ito ng apatnapu’t walong (48) dating rebelde mula sa iba’t ibang probinsya ng Rehiyon 2.

Ibinahagi sa mga kalahok ang iba’t ibang programa at serbisyo tulad ng skills training at certification, suporta sa agrikultura at kabuhayan, oryentasyon sa good governance, tulong-pangtrabaho, at pagsasanay sa pagnenegosyo. Binigyang-diin ng mga ahensya ang kahalagahan ng pagkakaisa at matibay na koordinasyon upang makapagtayo ng matiwasay at maunlad na pamumuhay ang mga dating rebelde.

Ang aktibidad ay naglalayong suportahan ang muling pagsasama ng mga dating rebelde sa kanilang komunidad.Pinagtibay ng 502Bde at partner agencies ang kanilang patuloy na pangako sa pagsusulong ng kapayapaan, kaunlaran, at mas ligtas na mga komunidad sa buong Cagayan Valley.

Source:5th Infantry Star Division PA

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles