15.5 C
Baguio City
Saturday, September 26, 2026
spot_img

PRO3 OLCFI, naghatid ng tulong sa mga PNP Personnel na naapektuhan ng Habagat

Ang PRO3 PNP Officers’ Ladies Club Foundation, Inc. (OLCFI), sa pangunguna ni Mrs. Charito G. Mendez, Adviser ng PRO3 PNP OLCFI, ay nagsagawa ng outreach program noong Setyembre 23, 2026 para sa mga tauhan ng PNP na naapektuhan ng Southwest Monsoon o Habagat.

Sinuportahan din ang aktibidad ni Mrs. Mary Rose Nartatez, Adviser ng PNP Officers’ Ladies Club Foundation, Inc. at asawa ni Chief, PNP PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., kasama sina PBGEN Jess B. Mendez, Regional Director ng PRO3; PCOL Robert L. Petate, Acting Chief ng RCADD; PCOL Ricardo David, Provincial Director ng Pampanga PPO; at PCOL Jay Baybayan, Provincial Director ng Bulacan PPO.

Kabuuang 1,035 sako ng bigas, na tig-limang kilo bawat isa, ang ipinamahagi sa mga PNP personnel na naapektuhan ng Habagat mula sa mga bayan ng Macabebe, Masantol, Candaba, San Simon, Minalin, Apalit, Santo Tomas, Sasmuan, Lubao, at San Luis sa ilalim ng Pampanga PPO, gayundin sa Bocaue, Calumpit, Guiguinto, Hagonoy, Paombong, Malolos, at Marilao sa ilalim ng Bulacan PPO.

Bukod dito, dalawang PWD recipients ang nakatanggap din ng mga grocery items at tulong pinansyal bilang bahagi ng outreach initiative.

Ipinapakita ng naturang aktibidad ang patuloy na malasakit, pagkakaisa, at suporta ng PRO3 para sa mga tauhan nito at kanilang mga pamilya, lalo na sa panahon ng kalamidad at pangangailangan.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagbibigayan, ipinapaalala ng PRO3 OLCFI na sa panahon ng pagsubok, walang kapwa PNP personnel ang maiiwan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles