16.1 C
Baguio City
Sunday, May 17, 2026
spot_img

Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, muling naghatid ng Relief Goods

Muling naghatid ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa 2,675 residente ng San Simon, Pampanga nito lamang Sabado, ika- 2 ng Agosto 2025.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ni Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Sa kanilang pagbisita, bitbit ang mga tulong na layong maibsan ang hirap na dinaranas ng mga nasalanta ng pagbaha.

Labis ang tuwa at pasasalamat ng mga benipisyaryo dahil malaking tulong ito para sa kanilang mga nasalanta.

Sa kabila ng kalamidad, ang suporta ng pamahalaan ang nagsisilbing pag-asa ng mga apektado.

Ayon sa tala ng Pampanga PDRRMO, apat na barangay pa rin sa San Simon ang nananatiling lubog sa baha, kabilang ang Barangay Sta. Cruz na may lalim na hanggang 5 talampakan.

Maliban sa kabuhayan, mahigit ₱28 milyon ang kabuuang pinsalang naitala sa mga pananim, dahilan upang higit pang paigtingin ang ayuda ng mga ahensyang gaya ng DSWD.

Layon ng patuloy na pagtulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, na masiguro ang kaligtasan, kapakanan, at muling pagbangon ng bawat pamilyang Kapampangan sa gitna ng sakuna.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,700FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles