17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Liga Ng Barangay (LNB) ng Tuguegarao, nagsagawa ng Bayanihan Clean-up Drive sa Caritan Centro Creek

Matagumpay na isinagawa ang isang malawakang Bayanihan Clean-Up Drive noong Sabado, Setyembre 27, 2025 sa Caritan-Centro Creek sa Tuguegarao City, bilang bahagi ng kampanya para sa mas malinis at ligtas na kapaligiran ng lungsod.

Pinangunahan ng Liga ng mga Barangay ng Tuguegarao City, sa pangunguna ni LNB President Restituto Ramirez, ang nasabing aktibidad katuwang ang mga tauhan mula sa City Environment and Natural Resources Office (ENRO) at General Services Office (GSO) sa pamumuno nina OIC Marcelino Gumabay at Engr. Kendrick Calubaquib.

Lumahok dito ang 49 na Punong Barangay kasama ang kanilang mga Barangay Tanod bilang simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa kapakanan ng komunidad.

Ang aktwal na paglilinis ay nakatuon sa pagtanggal ng mga water lilies at iba pang sagabal sa daluyan ng tubig sa creek.

Layunin ng programang ito na mapanatili ang kalinisan ng mga daluyan ng tubig, maiwasan ang pagbaha, at lumikha ng mas ligtas at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga residente ng Tuguegarao City. Isa rin itong paalala sa bawat mamamayan na ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran ay responsibilidad ng lahat.

Source: Tuguegarao City PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles