Isinasagawa ang pamamahagi ng rice assistance ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa mga benepisyaryo sa bayan ng Paombong, Bulacan nito lamang Miyerkules, Agosto 19, 2026.
Ang tulong na ito ay bahagi ng Assistance to Indigent Individuals or Families – Food Assistance – Rice Distribution Project sa ilalim ng Local Government Support Fund – Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU).
Layunin ng programa na makatulong sa mga pamilyang nangangailangan, maibsan ang kanilang gastusin sa pagkain, at mapalakas ang food security sa mga komunidad, sa patuloy na pagtutulungan ng Pamahalaang Nasyonal at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.




